Tuesday, February 18, 2014

Ako ay Pilipino


Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal



Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal




CHORUS:
Ako ay Pilipino, 
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay Ako!

 Ako ay Pilipino (I am a Filipino) is a Filipino pop song written by George Canseco under commission from Imelda Marcos and famously performed by Kuh Ledesma, who has said that it is her favorite song. From Wikipedia, the free encyclopedia

Mga kababayan ko, ilan kaya sa atin ang marunong kumanta nito? Kung tutuusin napakagandang awitin nito at punong puno ng pag-asa.Mararamdaman mo na ipinagmamalaki ng composer ang ating bansa at nakita niya ang kagandahan ng ating bayan.Sa ngayon,nakikita ba natin at nararamdaman ang nakita at naramdaman ni George Canceco? Sana makita pa rin natin ang kagandahan ng ating bansa at magkaroon pa rin tayo ng pag-asa para sa ating inang bayan..kahit na madaming hindi magandang nangyayari.Siguro ang pinakamabuti nating gawin ay itigil ang pagtuturuan at simulan natin sa ating sarili ang pagbabago.Muli nating isabuhay ang pagiging isang tunay na Filipino/Pilipino.

No comments:

Post a Comment